"Apong"

Si apong ang tawag namin sa
nanay ng lola namin,
tubong Abra, purong ilokana,
mahilig din sumayaw
kumanta at kumain ng nganga.

Iniisip ko, kung di mo niluwal ang lola ko, nasaan na kaya ako?

siguro katulad ng kuwento nila
nasa hangin pa din ako,
o kaya uod, putik o ibon na naglipana.

Mapalad ako nakita ko ang nanay ng lola ko,
nakita ko ang angkan ko.

siguro ganyan din ang itsura ko
pag tumanda ako.



Mahigit 100 taon ka na,
siguro kung nandito ka lang sa inglatera
meron ka na din telegrama
Mula sa reyna ng bansang aking nakita at nakasalamuha

Ang kuwento nila nanay,
nung kapanahunan pa ng giyera
nandun ka sa bundok nagtatago,
Ang lupet nasaksihan mo yung
bagsik ng kasaysayan na mula ngayun sa bukang bibig na lang namin malalaman at nababasa.

Malungkot kasi, di kita nakita,
hanggang kompyuter lang para marinig at makita
kasama ng iba mo pang kapamilya,
gusto ko pa naman isa ka sa mga modelo ko
para lang meron akong
alaala mula sa aking angkan
at maging koleksyon ng aking potograpiya.

Ang tabako mong malupet
baliktad kung hithitin
ibang iba, walastek! para kang
yamang tao na kailangan itago
sa pambangsang museo ng Pilipinas

Minsan iniisip ko na lang
mga kuwento nila nanay pag ikaw ay inaalagaan,
parang ikaw at si tatay yung
inaalagaan kong matatanda dito sa inglatera
kung saan ako kumikita.

Kaya naman pala nitong kama kailan, nagtataka ako
ibang iba pakiramdam ko,
sabi ko may nararamdaman ako
halos pareho ng pakiramdam ko
nung araw na si tatay ay pumanaw
ayun pala ikaw na yun,

 

Ipagdadasal kita, alam kong masaya ka na kung saan ka man naroroon ngayun

masaya ako na naabutan mo ang henerasyon ko,
masaya ako nakita mo ang mga
Kompyuter at mga cellphone.

 

Ang mga bibo mong mga apo
ang mga balita na kakaiba nung
kapanahunan mo at ngayun.

higit sa lahat nakita mo ang mga pamilya mo na kahit anung hirap basta may tiyaga, may giginhawa.

Alam ko naman kasama ng ating
pamilya na di muna tayu magkikita
pero darating ang panahon na
magkikita din tayo.
doon sa langit na wala ng problema
at puro ngiti na lang ang makikita.
hayaan mo pag uwi ko,
kasama sa puntod ni tatay kayo
agad pupuntahan ko.

Hanggang sa muli apong.
salamat sa magagandang ala-ala.
Ipagdadasal kita habang nasa malayo pa ako.
salamat sa lahat.